Razorback atin-atin lang

Atin-Atin Lang - RAZORBACK

Ano bang pumipigil sa’tin? Atin- atin lang naman,
wala naman tayong mga sekreto. O meron ba? Ako wala.

Bakit ba’t di kita mahanap? Ikaw ba ay nagtatago
O sa simula palang ay nagpapanggap na sandalan?

Tinitiklop at niyayanig ng gulo. Nasaan ka?
Pinapasok na kita sa buhay ko. Ngayon ka pa mawawala?
Nasaan ka na?

Ano bang pumipigil sa’kin? Atin- atin lang naman
pero ang takot ko ay bigla ka nalang susulpot. Ayoko ko na.
Di ko kaya.

Di ko alam kung nanaginip lang ako.
Akala ko ako ay nasalba pero bigla ka nalang nawala.
Nananadya ka ba?

Tinitiklop at niyayanig ng gulo. Nasaan ka?
Pinapasok na kita sa buhay ko. Ngayon ka pa mawawala?
Nasaan ka na?

Ano bang pumipigil sa’kin?
Atin atin lang
Atin atin lang



you can watch live video here